Let's Go on a Road Trip

Welcome to My New Travel Blog

KARANASAN KO SA PATUTUNGUHAN NAMIN

Ang karanasan ko sa pag punta sa pinaka dulo ng mapa ng pilipinas ay ang pinaka masayang experience sa aking buhay. Malayo man ang aming patutunguhan namin madami naman kaming madadaan na lugar habang papunta doon at iba iba pa ang karanasan ko kada ibang lugar na papupuntahan namin. Ang mga lugar na madadaan habang papunta sa Pagudpud ay ang pinaka una ay ang San Fernando sunod dito ay ang Candon, Vigan City, Paoay, Laoag City, Burgos, Bangui at sunod dito ay ang Pagudpud. Habang papunta kami sa aming patutunguhan dinaanan namin lahat ng lugar na yan at ang hindi ko malilimutan na lugar doon ay ang Vigan at ang paoay. Dahil sa lugar na to ay napaka vintage ng dating ng lugar nila at madami kang makikita na mga lumang bahay at sa vigan city dito mo mahahanap o matitikman yung pinaka masarap na bibingka. at habang papunta kami sa pagudpud, habang na sa bangui kami makikita mo na dito ang mga windmills at ang mga magagandang tanawin dito hangang sa pagudpud.

FESTIVAL

Dito sa Ilocos ang kanilang Festival dito ay Kurarapnit Festival ito ay animistic festival nag tatampok dito ang exotic bat (Hiposideros sp) na nahahanap sa bayan ng pagudpud. Ang layunin ng fesitival nila ay proteksyonan ang kanilang
hindi maipaliwanag na likas na kayamanan katulad dito ay ang mga kuweba

MGA PAG-AARAL

Mula sa aming biyahe natutunan ko na kailangan natin mag trabaho ng mabuti ng para maulit ang mga ganto na biyahe kasi ang biyahe namin ay magastos. Ngunit sa biyahe na yoon masaya kaming lahat dahil mag kakasama kaming lahat kaming mag kakamaganak. At sa biyahe namin natutunan ko na mag
gumugol ng mas maraming oras sa ating pamilya dahil hindi lahat ng oras ay an dito sila para saatin.

Comment Section

Design a site like this with WordPress.com
Get started